THE SEVEN DEADLY SINS (TRADING EDITION)
- Retired Blacksheep
- Oct 9, 2018
- 13 min read
Updated: Oct 11, 2018
A compilation of demons i experienced and still battling while taking the journey less traveled, TRADING.

Before anything else, I just want to say that baka hindi ko mapanindigan tong pag i-english ko kaya mag tatagalog na lang ako. Hehehe
Isang matinding buntong hininga para sa topic na ito.
Hindi ako expert pero isa akong nagtatangkang maging trader na nakaranas ng lupit ng market -- pero dahil kasalanan ko naman ‘yun. Kaya naglakas loob akong i compile dito ang lahat ng pagkakamali ko para na din maging eye opener din sa inyo. Malay mo lang naman may mapulot kang kapaki pakinabang.
Trading and earning in the stock market is simple, they say, but it was never easy. Di umano ayon sa aming team, para siyang relationship na walang label. Hindi mo alam kung san ka pupulutin. At kung walang matinong set up, kahit all in na all in ka na, mas malaki padin ang chance na lamunin ka nyan ng buo. Masasaktan ka lang pag pinilit mo.
ENVY
FOMO aka Fear Of Missing Out

Kingina kasi yang mga hypers na yan sa mga facebook group. HAHAHAHA Biro lang!
Nakabasa o nakarinig ka na ng ganto?
“Ceiling na yan!”
“Gap up!”
“Road to..”
“Break na multi year high!!”
“All Time High!”
Hay bumbay, nadali na din ako nyan. Bilang nag tatangka nga akong maging isang trader, hala sige pasok ako sa mga groups, forum, ganyan. Problema kasi ata yan ng mga gustong mag trade pero hindi alam saan magsisimula mag-aral. Basa basa, nakikibalita. Wala pa akong alam noon sa technical analysis. Malay ko ba sa TA , TA na yan! (Ni hindi ko nga alam na may charts pala itong mga hayup stocks na to. HAHAHA.)
Tapos may mag sasabi doon sa group mag bodega na ng ganito, ni hindi ko pa alam yung salitang bodega, kasi nga daw lilipad to the moon yung stock na yun. With matching chart pa ito, ay may arrow na going up. Ako naman yung recommended na stocks, bili naman ako, bilang ang dami kong buying powers, e. Sky is the limit, 20k. HAHAHA.
Nakakatuwa, ang galing ko! Kung nasa school ako siguro proud na proud na parents ko sakin. Baka may award na ako. Alam mo kung balit? Ako kasi yung nakakuha ng pinakamataas, eh. Sa tuktok ang bili ko. Hindi ko alam, kung sadyang may kamalasan lang ako, pero pag bili ko talaga, bumaba yung value ng stock. Lecheng to the moon yan. Doon ako nakabuo ng konklusyon na hndi totoong aim for the moon coz if you miss you will shoot a star, sa floor ako lumagapak e.
May one time pa, nakabasa ako, sinundo na daw ng “MA” yung ganito ganyan, search ako kung ano yung MA, nice, moving averages, parang ang lupit sa pandinig. Tunog matalino, Nampucha, bili na naman ako, mabilis ako ma hype eh. Pero bakit ganun, pagbili ko, hindi naman MA ung sumundo, ung price sinundo ni kamatayan!
Meron pang isa, kala mo tapos na no?
Kasi nga si ati mo girl laging nakatingin sa winners, doon kukuha ng play, grabe pagka may lumilipad na stock, i chase ko yun. Yung tipong kelangan nandon ako! Kailangan makisabay ako sa pagtaas non! Ayun lipad sa impyerno yung pera ko.
Hindi ako nadala no?
So paano natin maiiwasan itong FOMO na ito?
TANDAAN NYO, HINDI NATIN ITO MAIIWASAN.
HAHAHAHA Joke lang.
1. Unang una, and ginawa ko, i get out of those groups.
Hindi naman masama magkaroon o pumasok sa mga groups na ganyan, pero be mindful. Ang group na hinahanap natin ay support group. Meaning, sila yung pwede ding mag share ng bias nila. If we have questions, they might give us meaningful answers. Hindi sila nag ha hype o nag rereco ng stock. Sa mga groups marami kayong makukuhang information, either it could help you or break you. BE MINDFUL.
Sabi nga ni jing ping ping.
“Choose your own poison.”
Kung sino si Jing Ping Ping, di ko din alam. BALA NA SYA JAN.
2. Nag-aral ako ng Technical Analysis.
Hindi madali, pero worth it. Less and chance to none na ma hahype ka. Matalo ka man, hindi ka mawa wipe. Plus, alam mo when to position or not. Hindi ka magpapasilaw sa mga charts na madaming kulay at guhit. (Hindi ko din alam kung saan magsisimula talaga dyan, pero salamat sa mga nakilala kong mga loding traders.)
3. Kung may set up ka na, stick with your plan.
Sabi kasi ni Alias Barabas:
Plan your execution, Execute your plans.
Hindi natatapos sa FOMO ang una nating deadly sin.
Pamilyar ka ba sa mga posts na ganito?


Ang sarap tignan, ano?
Parang na ha hype ka na din na mag all in, para lang mag ka day change ng limpak limpak o kaya mabuhay sa paraan na gusto mo.
Pwede naman yun. Pwedeng pwede. Kaya ba yung ganon? Oo! May madaling paraan dyan!
Kung gusto mo mga ka day change ng limpak limpak na walang ginagawa, i-fund mo yung port mo ng limpak limpak, tahdaaah, me malaking day change ka na.
What you are seeing is just tip of the iceberg.
(tapos naglalandian sila jack at rose kaya nabunggo yung titanic, ayan walang kinalaman yang sila jack at rose.)
Pero tandaan mo, yang mga nakikita mo, bago nila na achieve yan, it took them TIME, months even years on studying. Di lang kilay nila ang nasunog, yung iba pati port, pati pangarap, pati love life. Ilang gabing walang tulugan, di makatulog kakaaral o di makatulog dahil sa stock position. Maraming isinantabing relasyon at oras sa pamilya, kaibigan, may kakilala pa nga ako hanggan ngayon nag iinom padin kasi nag break sila ng gf nya dahil trading is life. Hehehe. Ilang luha na naging pawis at pawis na naging luha ang nagawa. Ilang librong binasa, ilang okasyon ang hindi napuntahan. Ilang baka ang pinakuluan para lang magka-nilaga.
Ayaw mo maniwala,
Tignan mo yung kwento ng ilang traders.
Kapitan Kidlat's Story: https://www.youtube.com/watch?v=vZBzoJ92Ouc
Zeefreaks Blog: https://zeefreaks.blogspot.com/
MoneyGrowers Ph: https://www.youtube.com/channel/UCSRcoP3LBWdLumpSJb3E3Iw
at marami pa..
Pwede din naman tayo maging ganun, just keep your eyes on the goal.
Sa mga nakaraang oras, ano ba ang ginagawa natin para maging profitable trader din tayo?
GREED
I Want It All

One of the reason, kaya tayo nag ti-trade ay para kumita, right? Mapunan yung pangarap natin na mabuhay ng “marangya”. Marangya in a way na hawak natin ung oras natin, maibibigay yung pangangailangan, Yung hindi na tayo sasakay ng public transpo at maubos ang kabataan sa traffic sa edsa. Yung magamit natin yung oras natin sa paraan na gusto natin. At di tayo mabuhay sa kinsenas katapusan gang katapusan ng buhay.
Kaso, eto din yung isa sa mga rason, bakit nagiging greedy ang tao. Kasi ayon sa dictionary, greed is a selfish and excessive desire for more of something than is needed. In this situation, it is MONEY.
To chase that luxurious life that we ALL dream, sometime we over do trading.
Sa part ko ganito yung nangyare,
Nag enter ako sa isang stock, dahil gusto ko ng malaking returns, malaking allocation din ang nilagay ko. As the stock rises, lumalaki ang gains ko, therefore, dagdag pa ako ng dagdag gang hindi ko namamalayan, all in na pala ako. Di umano, AYON SA AMING TEAM, ang pagdadagdag na ito ay makakatulong lalo sa paglaki ng panalo ko.
Yung original plan ko, hindi na execute ng maayos, because as my target price hits, hindi pa ako ng sell. I should have exited pero, i was hoping that the stock would go higher. Ano nangyare?
Term ni boss ZEE, Napirhana ako.
Piranha naging bato pa.
Kasi hindi naman ako nagsabon pero nabuhusan ako.
Na freeze ako kasi naipit ako eh.
Narealize ko, na mas malupit pa pala ang greed kesa sa fear. Kasi, ang fear, would let me stay away from trading kahit may magandang set up. Thus, nasa akin padin ang capital ko. Protected padin ng buong buo. Pero ang greed, kahit walang magandang set up, sigi pasooook! Mas malaki ang chance na malusaw yung capital ko.
SUPERMAN SYNDROME
Meron naman time, sunod sunod ang kita ko, feeling GENIUS.
Galing ko eh. Lagi akong panalo. Unang pasok ko, small allocation, tas padagdag ulit ng padagdag. Akalain mo, ilang minutes lang, up na ko 15%
Yung kagalingan at ka geniusan ko umaapaw.
Master Trader, feeling guru of all gurus.
AYUN. NASABON NA NAMAN NI MARKET.
Paano ko ito napagtagumpayan?
Actually hindi pa, actually hindi ko din ata sinasadya kasi wala naman maitrade sa panahon na ito. Hehehe joke lang. When the market humbles me, i learned my lessons. After quite some trade, consecutive wins, i tried to stay away from the market muna. To shove all the kayabangan away and to balance my ego.
Hindi pa dyan natatapos no!
According to studies ay mas pinapaniwalaan ng mga tao ang isang bagay pag nag sisimula ito sa according to studies.
May nakapagsabi sa aming team, di umano ang ideal ay one - 2 stock positions lamang. Ang kadahilanan daw di umano, para makapag focus ka at ma execute mo ang plano ng maayos. 1-2 trades, para mapuruhan mo! Pero hindi ganon ang nangyare sakin.
Dyan na din pumapasok yung isa pa nating deadly sin, GLUTTONY.
GLUTTONY
Overtrading.

(Hype sa transition diba?)
Ito yung kahit walang setup, pero sa NEED na kailangan mong may ma-gain. Kahit mas malaki yung risk kesa sa reward, papasukin mo. Kahit na illiquid yung stock at parang ikaw lang ang nandon, feeling jockey ka, e sige ka pa din.
Syempre newbie ako i have this misconception na i have to trade all the time. Dapat lagi akong may position. Lagi akong present pag nag attendance si Ms. Market. Feeling important ang datingan, pano nalang ang market kung wala ako. I have this urge na mag trade all the time, not thinking that i was just exposing my capital. Kahit alam ko na mas malaki yung risk, pinapasok ko, sino ba naman hindi sasaya kung everyday may gain ka, diba?
Pero hindi kasi araw araw pasko. Sometimes, it’s byernes santo.
Pano maiiwasan?
HUWAG MAGING GREEDY.
Eto na naman tayo sa trading plan.
So, ibig sabihin ganyang ka importante yan. Keep it close to you. Para reminder din, baka sakali kasi na naman na ibuhos mo lahat. Parang yung pagmamahal mo kay crsuh, crush palang naibuhos mo na lahat!
Only take a trade/trades na pasok sa parameters/set up mo. Let your plan do all the work, if your system tells you to exit, then exit. If your plan says, do nothing, DO NOTHING. Remember, no trade is also a position.
Never go all in.
Yes, more allocation pag lumipad, todo reward/ gain, talagang genius mode yan. Pero what if it goes against your bias? Iiyak na lang. Mag wa-walling ka sa salin ng tugtugin ng stupid love. Ideally, some traders i know, they suggest proper allocation And 1:2 RRR (risk reward ratio). (Next time sa blog ko, i discuss natin ito. Kung paano ako mag allocate. Pero hihingi tayo ng guidance sa mga magagaling para tama naman yung mai-share ko, para sa tulad ko ding nagsisimula pa lamang.) You have to protect your capital not only from the market but from yourself.
Kundi sigi ka
Themesong: Ozone by Unique
WRATH
I Will Blame The World

Ipit nga ako diba. Grabe gusto kong sisihin ang universe, kayo may kasalanan.
“NANYO KINUHA NYO PERA KOOOOO!!!”
“WALANGYA KASI YUNG BROKER KO NAG LAG!!”
“BAKIT PA KASI AKO NAKINIG DYAN KAY <INSERT HAYUP NA HYPER HERE>!”
“KINGINA KASI NITONG <INSERT DIMONYONG BROKER DIPA LAMUNIN NG IMPYERNO> NAMBUHOS NG WALANG PAKUNDANGAN.”
“MAY JOCKEY KASI DYAN EH!” (diko naman alam talaga yung term na jockey)
“PINAUNANG MAG EXIT YUNG PREMIUM HOLDERS NILA”
“LECHENG DISCLOSURE YAN!”
“BWISIT NA <INSERT CHANNEL NG TV NA GUSTO MONG MAWALAN NG SIGNAL PARA MAWALA NA SA ERE OR YUNG WRITE UP NG ISANG NEWS PAPER NA GUSTO MO NA LANG GAWING PANLINGAS NG BONFIRE NA KASING LAKAS NG PAGKAKASUNOG NG PORT MO HERE>
“ANG BAGAL KASI NG INTERNEEEEEEEET!! JUSKO!! SANA MAG KA 3RD TELCO NA!”
AT KUNG ANO ANO PANG BITTERNESS.
Sinisisi mo pati yung market na walang pakielam sa existence mo, yung aso nyong nagkakahol kasi nung nag t-trade ka, yung kapitbahay nyong nagtanong kung may kanin lamig kayo, yung PC mo na ayaw gumana, yung langgam na nag iimpok para sa tag ulan, yung ingrown mong 2 linggo ka nang pinapahirapan at kung saan saan pang mga bagay.
Sumama talaga ang loob ko non sa world, para akong sira e, bukod sa na FOMO ako, pumasok ako sa stock na downtrend. Yung pangarap ko sa maginhawang buhay feeling ko nun wipe out in an instant e. I was blaming everybody and everthing rather than myself.
Grabe hindi ako makatulog nun, naghahanap din ako ng kapwa ipit. Para may karamay at may kasama sa sisihan.
BE RESPONSIBLE. ACCEPTANCE IS THE KEY.
TAKE THE RESPONSIBILITY TO YOUR LOSSES.

Ako ang nagplano nyan, to all situation, dapat ready ako, diba? Dapat may plano ako. Dapat malakas conviction ko sa plano ko, sundin ko!
Ako ang pumindot ng Buy and Sell button.
Mahirap pumasok sa isang gyera na ang dala mo, nipper (kasi nga may 2 linggong ingrown na pinapahirapan ka).
Tandaan, ikaw ang nag tanim, sabi mo ubas, pero bakit ampalaya ang inaani mo?
PRIDE

NO TO CUT LOSS SABI NI KOYA
This is a true story.
I have a friend until now, 40-50% loss sa isang stock nya. Ayun sa aming team, di umano, ang loss na ito ay asa 5 percent lamang, pero sa pag asang tataas pa inabutan na si koya ng takipsilim ng taon, andoon padin sya.
Ang sabi nya sa akin -- “wala na akong pang average down.”
Syempre hindi lang din sa kanya nangyare yan, sa akin din. Ako yung totoong bida dito diba? HAHAHA
Itago na lang natin ang pangalan ng stock na ito sa $MAH-lay ko, $MAH-lay nya, $MAH-lay nating lahat.
So ayun nga, nag enter ako sa position kona ito with plan, proper allocation, RRR, etc, planado talaga. Kasi kahit paano, ngayon, may alam na tayo eh. May cutloss point ako, ati!
Ayun nga, walang ano ano nahit na ang cut loss. Pero magaling ako eh, HOPING na naman.
Dyan tayo magaling eh, yung umasa, kahit wala na kakapitan, kakapit padin tayo sa pag asang baka maipilit pa natin eh. Ginawang hobby ang hoping.
Hindi naman ako nag average down, pero grabe, kung nirespect ko yung cut loss price ko, edi sana napaka minimal ng damage sa akin, pero hindi, dahil nga mapang asa tayo, tao lang marupok, ayun, yung damage na dapat isang dura lang naging tuberculosis. </3
One problem also na nakita ko, it was never easy for me to admit that I was wrong. Parang may kinikimkim na akong galit sa sarili ko pero hindi ko maamin. The moment na na-hit ang cut loss ko, hindi pa ako nag cut, because there was a HOPE pa nga na aakyat Kaso, walang pag akyat na naganap, lalo ngayon sa kind of market natin. Ang hirap aminin na mali ako. Ang hirap mapahiya sa sarili.
ARAYKHOBHE
Kahit na may natutunan na ako sa proper allcation at cutloint pont, kung di ko naman susundin e balewala din.
Sa experience ko na ito, ano natutunan ko?
I LEARNED 2 THINGS:
1. KNOW WHEN TO CUT
2. CUT
As easy as that.
The moment that i ACCEPTED that i was wrong, was also the moment that everything falls into places. Una, nakakahinga na ako ng maluwag at nakakatulog na sa gabi. Natitignan ko na ulit ang port ko. I let go and moved on, especially, i forgave myself.
Yung learnings hindi ko malilimutan. I know i will make a lot of mistakes still in the future, in trading and in life, but i will stand up and be mature enough to face it.
Merong famous na saying mula sa isang famous na tao nakalimutan ko kung sino yun, HAHAHAHA pero ang sabi
You are wrong unless the market proves you right.
The stock market is a game of probability. For me it is also a game of emotions and sentiments. No one knows exactly how it will be. That’s why we are planning. Walang nakakaalam kung tataas ba yan ngayon o bababa.
BABABA? BABABA.
LUST
Falling In Love With The Stock Too Much

When to know if you have fallen in love with the stock too much.
All eyes ka dyan sa stock na yan. Kahit maraming promising stocks, sya lang ang peyborit mo.
Waiting ka lagi ng balita, disclosure about ke beloved stock.
Hinahype mo. At pag hinahype ng iba ang saya saya mo -- may kilig.
Pag binash ng iba, grabe ang galit mo parang pinatay mo na yung buong pamilya nya sa isipmo ng 4 times.
Instant friends kayo ng mga kagaya mong nagmamahal dito kay beshy stock.
Syempre dahil parami na kayong parami, magkaka group na kayo. At doon papalakasin nyo ang loob ng bawat isa
-Mag Average Down tayo kasi sale ito, kahit hindi mo naman alam san bottom nya,
-Kapit lang walang mag sesell, to the moon padin itong stock na ito (balik tayo jan sa ka-hype-an na yan)
-I report user natin si ano kasi bash nya stock natin.
A stock that is giving us gain can always be in our watchlist. Pwede nga naman natin balik balikan yan sa tamang panahon, sa tamang set up. E doon tayo kumikita, baka nga malakas itong stock na to. But then again, para sa akin lang, ang daming stocks. Maraming pwedeng mas magbigay sayo ng mas malaking gain if well executed and maayos mong plano. Ang daming opportunity.
Wag mag paipit. Wag magpaloko. Maging matalino.
Wag mong gawing mundo ang dapat stocks lang. HAHAHAH
Lastly;
SLOTH

Gusto mo bang yumaman ng walang ginagawa?
Ano ka sinuswerte?
Pero, totoo lang, lahat naman tayo, gusto yung easy way, eh. Kung meron lang ‘di ba? Bakit hindi?
Sa 6 na deadly sins na nasulat ko mula sa experiences ko, sa isa lang bumabagsak -- KATAMARAN.
TAMAD mag aral, mag journal, mag backtest, forward testing, aminin yung pagkakamali, humingi ng tulong.
Lots of excuses and procrastination.
In every problem there is a solution pero ang nangyayari there is a problem in every solution.
Sa tingin ko, maiiwasan ko sana ang mga ito kung imbis nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko at bugso ng alingawngaw sa paligid ay minaster ko na lang yung SET UP na alam ko. At pag walang proper set up na nakita, huwag mag trade. Kapag nagmali ako, mag cut.
At napaka importante ng pag jo-journal. Sa pag log mo kasi sa trading journal mo makikita nasaan ang edge mo at san ka malimit magkamali. Mata-track mo rin ng mayus ang wins and losses mo at mga bagay na kelangan mo pang bigyan ng pansin.
Nung nag - attend ako ng TRading Rx Forum, sobrang tumatak sakin yung sinabi ng isang speaker doon, sabi ni Stephen Strange:
“YOU ARE JUST AN EXCUSE AWAY FROM YOUR SUCCESS.”
Oo nga ano, imbis na mag reklamo ako, bakit hindi ako gumawa ng paraan. Dapat hindi lang sa simula magaling. Wag lang puro intro. Sa pag aaral ko, sana maramdaman ko palagi yung “fire” nung nag uumpisa ako. Dito dapat ako mag build ng HOPE and FAITH -- na kakayanin ko ito. Hindi sa mga pinasok kong stocks kaya yung port ko na put into “fire” din. HAHAHA
Sabi nga nila, this generation of traders are lucky. Kasi, marami ng sources and references na available anywhere maging sa bookstores man o sa internet. Marami na rin ang nag o-offer ng mentoring programs and meron na ring mga support group. Meron ding mga free and paid seminars na nanjan. Lahat nanjan na -- ikaw na lang ang kulang.
Tingin ko din, ang kasagutan ay TIME MANAGEMENT.
Alam kong may iba iba kasi tayong priority. Pwede nating sabihin na kaya wala tayong time kasi pamilyado tayo, may trabaho, may inaasikasong business pero naisip ko, pareparehas naman tayong may 24 hours sa isang araw. Bakit sila kinaya nila? Baka,= pwede nating panghugutan din ito para makakilala ng mga taong pwede nating sundan ang yapak dahil naging successful sila inspite of all this.
Kung kaya nila, kaya din natin!
SABIHIN MO SA SARILI MO.
KUNG KAYA NILA, KAYA KO DIN -- MAS GAGALINGAN KO PA!
So sa ngayon, ayan yung mga naransan ko.
At hopefully, maiwasan ko ng magawa ulit para sa ekonomiya. Hehehe
Kung may suggestions ka, insights at reaction, wag mahiya. Tara! Usap tayo.
Pagka violent reaction lagyan mo ng hehehe para light lang ah. hehe
Kung ikaw ay isang master trader, mga sir and ma'am baka naman pwede pang makahingi ng payo at guidance sa inyo kung paano maiiwasan ang mga mistakes na ito.
Be patient and everything will be alright.
Alright! Alright! Alright!
-TRBS
PS.
Special thanks to Sir Ichi Moku of Fibonacci and Clouds Trading Academy (FACTA). <3
Comments