top of page

WHEN BOREDOM STRIKES

Updated: Oct 9, 2018

Tips on how to use your time WISELY.

Photo by srikanta-h-u on Unsplash

“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.” Mother Theresa



Sa totoo lang, naiinggit ako pagka nakakakita ako ng post sa newsfeed ko sa facebook ng “haist, super boring. what to do!!??” “Gahd!! Buryo to the max!” “BAGAL NG ORAS!! SOBRANG BORING!”, yung mga ganyang posts. Ay grabe lang. Kung pwede lang ang share-a-time o pasa-oras, nag papasa na ako sa kanila. Kasi, parang kulang ang 24 hours sa isang araw sa dami ng gusto kong gawin at ng mga actual na ginagawa ko.


Pero naiintindihan ko na may mga tao talaga na sadyang ganun. Yung mag hihintay na lang ng oras. At walang gagawing kapakipakinabang tulad ng ex mong hinintay ka nalang din ma fall out kasi bored na sya sa’yo. HAHAHA CHAR!


So, bago pa mapunta kung san san ang post na ‘to, eto na ang totoong reason ng mga pabida ko lalo n kung tapos na ang sinusubaybayan mong koreanovela na bumubuhay ng nanlalamig mong pagkatao.


Here are some ultimate tips para when boredom strikes, hindi lang selfie, status, pagmaster ng pag stalk sa ex mo or crush mo nang hindi na pipindot ng like at inom ang gagawin mo.



Photo by nathan-dumlao on Unsplash


1. PWEDE KANG MAG BASA NG LIBRO, MAGAZINE,COMICS, E-BOOKS AT KUNG ANO PA MAN!


Photo by jaredd-craig on Unsplash

Mas okay yan kaysa magbasa ka ng newsfeed mo sa facebook, mas ma stress ka lang. Mamaya e dahil limpak limpak ang time mo, pagpapatulan mo silang lahat. Pwede ka rin magbasa ng nga articles, mga stories ng buhay buhay ng mga successful peoples, para hindi lang puro kwento ng friend mo sa facebook, katrabaho o kapitbahay mo ang alam mo. Pwede rin na tungkol sa business o kaya mga motivational/inspirational books. That way, ma fi-feed ng puro positive thoughts ang isip mo. Kahit kasi ayaw mo, minsan ma aapply mo sila sa buhay mo. Malay mo isang araw, isang magiting na entrepreneur ka na. Lupit ng storya mo pa nun. Dahil lang na buryo ako nag tayo ako ng business! PAK!


Ps: kung ako sa’yo, alamin mo ang paboritong book ni crush, basahin mo ng tagos sa braincells mo. Himay himayin mo yung tipong kala mo gagawa ka ng dissertation. Para pagka dumating ang pagkakataon na magkausap kayo, may topic kayong pag uusapan at hindi lang ang magsasabaw ang utak mo bigla. Malay mo, maging interesado din siya sayo! Nuuuks. Pag-asa!


2. PWEDE KANG MAG ARAL NG IBANG TALENT.


Photo by hannah-busing on Unsplash


Dahil lahat na yata ay abot kamay na dahil sa youtube at google, might as well, tigilan mo na pag pag search kung paano magkulam ng crush ng crush mo o paano mag kilay ng may pektus o paano ka papayat ng walang ginagawang exercise at kakain ka lang ng kakain. I search mo na lang yung talent na gusto mong matutunan. Pwedeng pagtugtog ng gitara, piano, gumawa ng makinarya, paano magtanim ng kahit walang matabang lupa, mag bake ng kahit walang oven, magluto kahit mas gusto mong kumain, paano gumawa ng tula, magpinta, maglinis ng kwarto ng hindi gumagalaw. Hahaha. Basta dagdagan mo yang talent mo at ‘di lang puro kalandian at jumping into conclusions ka magaling.


Pwede ka din mag aral ng mga videos tungkol sa paano magkaroon ng homebased jobs, mag trade sa stock market, mag online selling or srop shipping. Nasa bahay ka lang, kumikita ka pa.


Ps. Pagka marunong kana mag drawing yung mala realism ang tema, drawing mo si crush. Tas sunugin mo ‘di ka kasi pinapansin!


3. HAVE A GREAT CONVERSION WITH ANYONE.


Phot by juri-gianfrancesco on Unsplash

Yung tipong hindi lang chat chat. Pero pwede din yun kung simpleng kamustahan. Pero ang mas maganda, tutal diba parang ang dami mong oras, mag set ka ng date para sa inyo ng sino mang tao na nais mo. Tandaan mo na ang pagyayaya ng kape ay hindi lamang paglalabas ng POWER! Yayain mo sa isang date sa Jollibee yung nanay mong pagod na pagod na sa kaka alok ng avon para may pang tuition ka. Mag window shopping kayo. O kaya yung best friend mo, nang dimo lang sya naalala pagka may kailangan ka, yung officemate mong baka may mabigat ba daladala sa dibdib bukod sa mabigat na dala nyang sabon na pang sideline. Pwede rin yung kapatid mo, baka kasi nag go-grow apart na kayo sa dami ng mga bagong tao sa buhay nyo. Yung pinsan mo na una mong naging bestfriend, yung lolo at lola mo na makulit kasi paulit ulit ang kwento pero tuwang tuwa na makita ka. Yung tropa mo na iniwasan na ng lahat kasi tanong ng tanong kung “OPEN MINDED KA BA?”. Kahit sino, kahit sa paanong paraan. Para ‘di lang puro damdamin mo ang bida bida. Manlibre ka na din ah. Ikaw kasi ang nag aya!


PS. Mag open up ka kay crush ng nararamdaman mo, tas sabihin mo joke lang! Para di halata!


4. ATTEND SEMINARS, LECTURES, LIVELIHOOD PROGRAMS, ETC.


Photo by rawpixel on Unsplash


At dahil intense na intense talaga ang nag uumapaw mong free time. Yung tipong konti na lang kasama kana sa sambayanan ng international league of tambays (sandal kay inay at itay) char lang, e sagarin mo na.


May mga opportunities kasi na time lang kailangan mong iinvest medyo may pera pera din pero di naman ganun kalakihan.. Tulad ng mga free seminars tungkol sa business, stock market, self improvement, bible studies or even TESDA. Feed your mind with learning and do not stop. Hayaan nyo sa susunod na posts ako, maghahanap ako ng mga free seminars, workshops, expo na pwede natin attend-an.


Ps. Tanong mo si crush, baka gusto nyang pag-aralan paano ka naman mahalin. HAHAHA. Para sabay na kayo. O kaya, turuan mo!


5. TAKE YOUR SPARE TIME TO REST AND REFLECT.


Photo by Heng Films on Unsplash

Let yourself grow, lalo na spiritually. Eto siryoso na ako dito. Pwede mong gamitin yung time mo para mag reflect sa mga nagyare sayo this past few days, weeks, months, year. Are you even half the man / woman na pinangarap mo years ago? If yes, give yourself tap on the back. But NEVER STOP THERE. May room pa to grow. Kung hindi pa, huwag lang tap ang gawin mo, itulak mo na para masimulan mo na.


Pwede ka rin tumulong sa community in a little way, mag walis ka ng bakuran (at intayin si parse mo at marse mo na dumaan upang pag usapan nyo ang mga bagong ingay sa bayan! HEHEHE LOKO LANG!)


Napakarami pang paraan. Bukod sa pag popotograpiya (hindi pornograpiya!!!), Mag volunteer ka sa simbahan, sa community, mag online business ka, tapusin mo na yung sinasabi ng nanay mo na tiklupin na damit mo o yung sabi mo na susulat ka ng blog tulad nito, gumawa ka ng libro tungkol sa pag stalk kay crush at taos pusong panalangin at pag aalay ng wagas na nararamdaman para mag break sila ng girlfriend nya. SOOOOOBRANG DAMI! At kung meron pa kayong naiisip, lagay nyo lang sa comment box. Share nyo ‘yan!


Dahil d’yan, ipapakita ko din ang sarili kong “KILLING TIME NOT KILLING INSANITY” TO DO LIST KO. Eto yung listahan kung saan ine-enumerate ko lahat ng mga gusto kong gawin tapos pagka may spare time, gagawin ko unti unti. Para sa ultimate goal pag ka boredom strikes!😄





Yung iba d’yan kasi hindi ko na chineck kasi tulad ng pag aaral ng Photoshop, lagi akong may papanoodin sa youtube sa spare time ko, tapos gagawin ko sya bilang project.


TANDAAN na ang oras ay napakahalaga. Kasi ‘di mo na yan mababalik tulad ng dura mo! HAHAHAHA KADIRI!


Use your time wisely.


Be Patient. Everything will be alright!



-TRBS


Comments


THE RETIRED BLACK SHEEP

retired sheep logo2.png
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle
bottom of page